Confronting Our Mortality
It is always good for us to confront our mortality.
It makes us see where we're going, what we can do to make our existence meaningful, hope to be good to our fellowman.
I usually stroll in cemeteries. I read what's written on gravestones and markers. Sometimes, what you read can make you sad. Some people die at a very young age, others very old, many are at the prime of their lives.
And now...
We can see images that are real to tell us how vulnerable we are as human beings.
Nobody lives forever, and the images we see can give us a very good lesson in life.
We have to be brave. Don't hesitate now. Let's go to:
www.kiuma.com
or
www.viraldeath.com
and confront our own mortality.
37 Comments:
its been a long time since i notice this. thanks for sharing...
musta na pards!
Pareho pala tayo, JM. Pag napapadalaw ako sa sementeryo, lumilibot ako at binabasa ang mga lapida. Napag-alaman ko na karamihan ng mga namamatay ay between the ages of 40 and 50. So malamang pag narating na ng tao ang ganitong edad ay dun na lalong maging maingat sa kanilang kalusugan.
Everlito:
Kumusta na ang buhay-buhay sa bansa ng buhanginan?
Salamat sa pagdalaw.
Reno:
Araw-araw akong nagpupunta sa sementeryo para dalawin ang mga puntod ng mga mahal ko sa buhay.
I notice that here, people live longer than in the Philippines. When I was there in RP, I used to go to the North Cemetery, and like your observation, people die in their late 40s to mid 50s. I think the pollution problems in our cities there are aggravating the situation. Kung may asthma ka, halimbawa, maaari mong ikamatay ang paghinga ng usok ng mga sasakyan at mga buga ng factories diyan sa Parañaque. Noong nakatira ako diyan sa RP, hirap na hirap akong huminga sa usok ng mga sasakyan. Wala naman akong asthma, pero may allergy ako sa usok kaya may mga pagkakataong hirap akong huminga. Kaya kung New Year, hindi mo ako makitang lumabas ng bahay dahil halos mapugto ang hininga ko sa usok ng mga rebentador. Mula nang umalis ako, nawala ang problema ko sa paghinga.
Hanggang ngayon ay wala akong nabalitaang inaalis sa kalye diyan ang mga lumang sasakyan na nagbubuga ng lason sa mga tao. Wala man lang yata kahi't isang politiko ang nag-propose ng kahi't ano'ng paraan para mabawasan ang pollution sa mga siyudad. Noong inumpisahan ng California ang law tungkol sa reduction ng air pollution, malaking pagbabago ang ginawa ng auto industry para ayusin ang problemang ito. Ang ginawa ng California ay naging huwaran sa lahat ng cities dito sa north America at napakalaking kalinisan sa hangin ang idinulot nito. Hindi mo puwedeng i-renew ang registration ng iyong sasakyan nang hindi nagdaraan sa air care. Kapag bumagsak ang sasakyan, kailangang ipaayos mo nang makapasa ito or else, hindi mo puwedeng i-drive ito. Ngayon ay halos wala ka nang makitang smog sa kapaligiran dito.
Sa mga namamatay ngayon, ang karamihan dito ay yung mga isinilang noong 1920s. Bawa't bagong libing ay nasa ganyang grupo ng henerasyon.
It's really affecting when you see someone 16 or 20 dead and buried, especially when the cause of death is suicide. I have seen a grave that says: "Someday, we'll understand". Then it has an embossed photo of the person. A young man, only 16, and one of the lawn caretakers told me that the guy had committed suicide. What a shame, indeed, for someone so young and not find life so precious and meaningful.
I thought I am weird for reading lapidas. Salamat at may mga ibang tao palang aware din sa ganito.
Nuon 1982 ng nasa Manila pa ako dahil sa pollution ay madalas na nililinis ko ang mga butas ng ilong ko palagi, ang nakukuha ko ay mga pinong alikabok na nakukulapolan ng maiitim na langis ng crudo. Isipin mong pollutants na ito na pumapasok sa baga ko nuon. Ngayon siguro ang pollution sa Manila ay grabe na, malamang malapot na na grasa ito.
Kaya hindi kataka-taka na ang mga buhay ng mga pilipino ay hanggan 40-50 na mga taon lang. Hindi pa sila mahilig sa exercise at sinasabayan pa ito nila ng inom at cigarilyo na ang pulotan ay baboy, ang resulta ay nagiging mga manas at butete sila, hhhhhhh.
Tingnan mo ang mga larawan ng mga komikeros sa internet, puro halos sila mga manas at parang mga butete ang katawan. Kaya, JM, buhay pa tayo ay malamang mga tigbak na itong maraming mga komikeros na ang mga edad nila ngayon ay mga 30 anyos lang, humigit kumulang.
- Kapre
Supremong Kapre:
Sa Pilipinas, lalo na sa mga cities, kailangang lagi kang may takip na panyo sa ilong, dahil kung hindi ay talagang bubugahan ka ng lason galing sa hangin. Mas maige sana kung naka-gas mask.
HHHHHHH.
Kung bakit naman kasi HINAWAN ang lahat ng agoho tree along España, along Taft Avenue, even in Luneta. Ang mga punong ito ang magbibigay ng oxygen at humihigop ng carbon dioxyde ay kung bakit walang habas na pinagpuputol ito ng mga brainless politikos. Tuloy, binabaha na ang España, binabaha na ang Taft Avenue.
Sa toto lang, ang buhay ng bawa't Pilipino ay masasabi nating nasa mga kamay ng mga politiko. Sila kasi ang VERY FAULTY ang mga judgment, puro kapalpakan at walang pakundangan at malasakit sa publiko – na siyang umaani ng hanging unti-unting ginugupo ng lason ang mga baga.
Ito ang unang dahilan kung bakit ayaw kong magbalik diyan sa RP. Magkakasakit lang ako. Maski daw sa Bicol ngayon ay hindi na kasing-pristine ang kapaligiran. Yun daw mga ilog na nilalanguyan ko noong aking kabataan ay pinagtatapunan ng basura at nilagyan ng PIGGERY na kung saan ang mga waste matter at itinatapon sa ilog. Paano ka na lang nito? Ito pa naman ang pinakamasarap gawin sa Bicol, ang lumangi sa ilog, tapos dumi ng babuyan ang paliliguan mo? Ano'ng klaseng utak mayroon ang mga politikong pumayag na may gumawa nito sa yaman ng bansang Pilipinas? Wala na yatang mapupuntahang lugar na hindi binaboy ng mga pabrika, na ang karamihan ay mga multinational na kinunsinti ng ating pamahalaan na mang-abuso sa natural resources ng Pilipinas.
Tama ngang dapat mag-exercise at kumain ng tama ang mga Pilipino, at mag-demand sa kanilang pamahalaan... na linisin ang hangin sa mga ciudad at sa mga lugar sa probinsiya na siyang pinagtayuan ng mga mining ng mga foreigners. Ang ginawa ng Canadian firm na Marcopper sa Mindoro ay walang katulad na kaimbihan laban sa mamamayang Pilipino. Nilason ng mga dayuhang ito ang lupa at pinaty ng lason na ito ang mga walang malay na mga bata at matatanda. Ang napakasakit nito, binigyna ng blessing ng pamahalaan. Huwag na silang gumaya sa Mexico City na siyang pinaka-polluted na ciudad sa mundo. Sa maliit na lugar ay nagsisiksikan ang 15 million people. Kaya nga kahi't napakaganda ng mga makikita sa Mexico City, lalo na ang kanilang mga museum, hindi ako mapakali kapag naroon ako dahil sa pollution. 2 hours lang maximum ang panahong ipamamalagi ko sa lugar na ito. Kundi rin lang sa Guadalaraja ang bakasyon, tenk yu na lang sa Mexico City. Gano'n din sa Metro Manila. Grabe na rin daw ang usok dito, na pati yata sa Laguna ay inaabot na ng pollution.
Very tragic ito. Dapat nang mag-ingay ang mga Pilipino tungkol dito. Sa halip na magbangayan kung maliit o malaki ba ang ulo sa ibaba ni Hayden Kho, o ano ba kaganda ang utong at size ng dibdib ni Katrina Halinghing, isambulat sa buong bansa ang eskandalo ng air pollution. This is very alarming, at kawawa ang mga tao, lalo na yung may mga hika, heart disease o COPD.
Very tragic, indeed.
JM,
It's a fact na mas mas mahaba ang LONGEVITY ng buhay sa First World kesa sa Third World. You gotta deal with the cards that you have been dealt with. Ika nga sa Pranses, C'EST LA VIE! at ang intimations of mortality eh nagsimula sa akin at the age of 50. Doon ko na -realize na hindi pala ako IMMORTAL....
Auggie
At 50? Really?
I've had this awareness since I was a teenager. I've had several classmates in the Bicol region who died really young. When I was in Grade 4, one boy died from Dysentery, a very curable disease. But then, he was from some far off barrio. Then in Grade 6, another boy died when he fell from a bus. I couldn't believe it, but he was just maybe 12 years old, but was working as a konduktor and fell. In high school, a cousin had a motorcycle accident, ns also a friend. Both died.
So, at a very early age (8 years old), I've seen death close-up, and there was no turning back.
Biggest impact sa akin na mortal pala tayo was nang mamatay si Da King FPJ. At mula nuon, naiisip ko kung paano nga ba mamatay ang isang tao. Pipikit na lamang ba papuntang oblivion? Dun rin ako naging Atheist. Na-realize ko na walang langit o impyerno. Na kapag oras mo na ay hanggang lupa ka na lang.
Karlito
Karlito:
I respect your view about life and death.
I guess what determines one's belief is the experiences he had in the past. Based on my past experiences, there is an energy within our physical existence, an energy, therefore it is something that cannot be destroyed. It is anenergy with intelligence that it can even communicate.
Maybe science is not capable of proving it right now, but it might be in the future.
JM,
Yes, at 50, kasi before that, I was as strong as a horse. I was a gym -rat pa noong mid to late 80s, and I could bench- press more than three hundred pounds. I was really feeling IMMORTAL. I feel I could whup anybody who stands in my way and crushed him to a pulp. Yes, I had that confidence. But hitting 50 and being diagnosed with hypertension, suddenly, you realize you are a mortal after all, plus the fact that my father died due to complications of diabetes, which means, it's GENETICS! Of course, I have had my share of high school deaths. The first was OSCAR JAPON, died 15 or 16, who was bludgeoned to death in barrio Capuy, bordering barrio Bulabog in Sorsogon. He was attacked apparently, after a PABAYLE in those public dance shindig in the barrios. The killers were never caught. Another classmate died of a lingering illness. Another died due to gunshot wounds as a result of an armed encounter with the military. He was an NPA.
My view is that DEATH IS A RELEASE from all our aches, torments, & pains, Physical, emotional,spiritual....
Auggie
Murdered at 16?
Holy crap. Nangyari ang ganito sa Sorsogon in your time? Pretty awful.
When I was in Bicol, the ususal deaths of young people were due to illness or accident. But murder? Unbelieveable.
Maski naman may lahi kayo ng diabetes, kung mag-iingat ka lang sa pagkain, huwag uminom ng alak, huwag manigarilyo, you'll be okay. Diabetes is quite a manageable disease these days. Ingat lang talaga.
I think, may barrio kaming napuntahan noon diyan sa Sorsogon, pagdaan ng aming kotse, pinaulanan kami ng bato. Ang natatandaan ko, may parang swamp yata at may mga raha na tumutubo doon. Ano'ng Baryo ba ang may ganitong terrain diyan sa Sorsogon?
JM,
I think it's barrio Bulabog, if it was swampy looking and has many Nipa plants. Stone throwing was a common thing for passing vehicles then. I don't know now.....
Auggie
Auggie:
Iyan nga yata ang pangalan ng Barrio. Very unfriendly, ano? Bakit kaya gano'n ang ugali doon? Lahat halos ng lugar sa Sorsogon ay very friendly, pero doon lang ako sa kanipaan nakaranas ng unpleasant encounter ng mga bato. Very bad. Para bang ayaw nilang may ibang tagalabas na makikidaan sa kanilang lugar.
Sabi nga ni Solomon, mabuti raw ang araw ng kamatayan kaysa sa araw ng pagkabuhay, o puwede rin sabihin na mas mabuti ang kalagayan ng patay na kaysa buhay pa. Ang patay kasi ay wala ng problema, samantala ang buhay pa ay isangtambak ang mga problema.
At ang RIGHTEOUS na tao ang araw ng kanyang kamatayan ay ipinagsasaya niya, samantalang ang araw ng kamatayan ng WICKED ay kinatatakutan niya. Ang righteous kasi ay may pangako ang Diyos na bubuhayin uli siya. Ang wicked naman ay hindi na bubuhayin uli ng Diyos, gagawin pa siyang pampataba sa lupa.
Meron mga unrighteous na nagpapalusot na akala nila ay makalulusot sila, kaya sinasabi nila na WALANG Diyos. Kung walang Diyos kasi ay walang mga batas ng Diyos na susundin ang mga tao. Ang implikasyon nito na lumalabas na ang mga diyos-diyosan ay ang mga tao at sila ang gumagawa ng mga batas. Ang isa pang implikasyon ay ang Diyos ay creation lang ng tao na puwedeng buhayin at patayin nila ang Diyos sa kanilang mga kaisipan.
At ang akala pa na palusot ng mga unrighteous na kung walang Diyos ay ang mga tao ay ma-evolve para maging mga supermen sila at sa huli ay magiging mga diyos-diyosan rin na mabubuhay na walang hanggan dahil meron daw silang mga kaluluwa na hindi namamatay. Pati itong kaluluwa ay invention na palusot ng mga unrighteous na mga tao.
Walang kaluluwa ang tao dahil sabi sa Bibliya na ANG KALULUWA AY ANG TAO MISMO, o ang KALULUWA ay ang ibang tawag sa TAO. Para bagang ang SAGING ang ibang tawag dito ay BANANA. At ang sabi pa sa Bibliya na ANG KALULUWA O TAONG NAGKASALA AY MAMATAY, maliwanag na namamatay ang kaluluwa o tao.
- Kapre
Supremong Kapre:
Excellent topic to explore.
I've been raised a Catholic and the teachings we got from our religion is different from your view. I m really interested to find out from you what exactly Simon see after Jesus had been buried?
Luke 24:34 Saying, The Lord is risen indeed, and hath appeared to Simon.
24-36: And as they thus spake, Jesus himself stood in the midst of them, and saith unto them, Peace be unto you.
24:37 But they were terrified and affrighted, and supposed that they had seen a spirit.
So, Supremo, kung hindi nga totoong may spirito, bakit binanggit ito ni Luke sa kanyang aklat?
Pakiliwanag lang dahil sa Catholic church ay iba naman ang paliwanang dito.
Very interesting talaga ito.
JM,
ang KALULUWA o SOUL ay TAO, basado ito sa Genesis 2:7, "... and the man came to be a living soul."
Ang sinabi sa verso sa itaas na ang TAO, si Adan ito, ay naging BUHAY NA KALULUWA dahil si Adan ay buhay na tao. Sa Bibliya ang tawag sa patay na tao ay PATAY NA KALULUWA.
Ang KALULUWA ay namamatay, basado ito sa Ezekiel 18:4, "The soul that is sinning - it itself will die."
Maliwanag sa verso sa taas na ang KALULUWA raw na nagkasala ay mamatay, natural na namamatay ito dahil namamatay ang TAO o KALULUWA.
Samakatuwid, ang turong ang KALULUWA na nabubuhay daw na walang hanggan at lumalabas rin daw sa TAO pag namatay ito ay hindi turo na galing sa Bibliya, turo ito ng mga demonyo para salungatin nila ang sinabi ng Diyos sa verso sa itaas na namamatay ang KALULUWA o TAO.
Sa Bibliya, ang SOUL o KALULUWA o TAO ay maliwanag na iba ito sa SPIRIT o SPIRITO. Ang SOUL ay PHYSICAL BODY o katawan ng tao sa lupa, samantalang ang SPIRIT ay SPIRITUAl BODY o katawan ng spirit being na kagaya ng anghel sa kalangitan.
Balik tayo sa verso ni Luke na binanggit ang SPIRIT. Ang ginamit na salita ay "AND SUPPOSED THAT THEY HAD SEEN A SPIRIT," o ANG AKALA NILA AY NAKAKITA SILA NG SPIRITO. Akala lang nila ito pero hindi nila matiyak, mali ang akala nila.
Si Jesus pala dito ay resurrected na na SPIRIT BEING na NAGKATAWAN TAO, nag-radiate siya ng liwanag o energy kaya napagkamalan siya ng kanyang mga apostoles na SPIRIT BEING o SPIRITO siya.
Alalahanin mo na pag ang anghel sa langit ay inutosan ng Diyos para bumaba sa lupa ay nagkakatawan tao ito pero nag-radiate siya ng liwanag o energy sa katawan niyang tao. Si Moses nga na tao, nakausap lang ang Diyos ay ang ulo niya nag-radiate na ng liwanag na nakasisilaw kaya kailangan niyang magtalukbong kung humaharap siya sa mga Israelites.
Pero kung ang anghel o si Jesus ay hindi magkatawan tao na nag-radiate ng liwanag o energy, halimbawa magpakita sila bilang mga SPIRIT BEINGS ay AGNAS ang makakakita sa kanila na sinumang tao. Kung magkatawan tao sila ay hindi mamamatay ang taong makakita sa kanila, masisilaw lang ito sa liwanag na mag-radiate sa katawan nila.
Kaya huwag kayong maniniwala na may lumalabas na kaluluwa na hindi mamamatay sa taong namatay dahil turo ito ng mga demonyo para gawin sinungaling ang Diyos.
Alam ba ng sinuman sa inyo ang implikasyon ng maka-demonyong turo na ito? Sinasabi ng PATUYA ng mga hindi naniniwala sa Diyos na parurusahan ng kamatayan ang ganito, "DIYOS, HINDI MO KAMI KAYANG PARUSAHAN NG KAMATAYAN KAHIT GUMAWA KAMI NG ANUMANG KARUMALDUMAL AT NAKAKASUKANG MGA KASALANAN DAHIL MGA DIYOS RIN KAMI NA KAGAYA MO NA MERON MGA KALULUWA NA NABUBUHAY HANGGAN SA WALANG HANGGAN."
- Kapre
Supremong Kapre:
Salamat sa paliwanag.
Ngayon ay masasabi nating takot sa kamatayan ang mga anonymous dahil ayaw nilang makipag-usap sa ganitong tema.
Why, oh why?
JM,
yung kayang nakaranas nang mamatay pero nabuhay uli, mas magtatagal pa kaya sa mundo?
Dikong KC:
You mean someone who hadan out of the body experience but whose heart was revived.
Ito nga palang kasong ganito, Supremong Kapre, ano'ng masasabi mo sa mga kaso ng mga taong tumigl sa pagpintig ng puso, at nang sila'y ma-revived ay nagpahayag ng mga bagay na hindi nila nakita noong sila'y nag-aagaw buhay, lalo na sa emergency room ng isang ospital. Pero matapos ma-revived ay nagkuwento ng kanilang nakita. The Scientists are beginning to recognize this phenomenon. I watched an episode of Larry King Live where medical doctors expressed a lot of interests about life after life phenomenon.
JM,
Iyang mga ganiyang NEAR DEATH EXPERIENCE, eh iisa ang sinasabi, nakakita daw sila ng blinding light at the end of a tunnel, at para raw, mi flashback ang kanilang buhay. Sabi naman ng mga medical experts kaya daw gayon eh dahil ang brain matter eh parang mage-expire na ang baterya kung baga, kaya yung lights & flashback....
Auggie
JM,
oo, ganyang case. sabi kasi mas nagtatagal sa mundo pag galing na roon at nakabalik lang.
KC and Auggie:
Ito nga ang sinasabi kong nagiging interestng para sa mga Medical practitioners. Napakarami kasing kaso na ang namatay sa ER ay nare-revived at nagkukuwento ng nakatanaw sila sa kanilang katawan habang inililigtas sil ng mga doctors.
Iba na ang hypethesis ng mga doctors ngayon. Sa Larry King Show ay nasa panel sina Deepak Chopra, MD, at Sanjay Gupta, MD, at naroon din ang debunker na hogwash lang daw ito. But the doctors among the panelists are saying that they don't know the answer. Their first theory of the brain's reaction to its losing its power is no longer acceptable to them. What these doctors are saying is that the incidences of this nature is too overwhelming for medical science to understand.
Therefore, a group of these practitioners are now dedicating their time to investigate more on this phenomenon.
Of course, we cannot ignore also the case of TERESITA BASA. Remember the lady nurse from Batangas who got killed in New Jersey?
Man, that case was so amazing and I was really surprised by the overwhelming evidence that the court accepted everything and convicted the perpetrator of the crime.
Iyong kasong namatay daw pero nabuhay uli ay HINDI NAMATAY IYON, nasa gitna iyon ng BUHAY at PATAY.
Para maintendihan ito ay kagaya ang situwasyon nito kay Adan ng lalangin ito, HINDI si Adan BUHAY(Kinetic) o PATAY(static) na KALULUWA sa simula, POTENTIAL ang kalagayan ni Adan na nasa gitna ng kinetc at static. Kaya ng HINGAHAN si Adan ng Diyos ay naging BUHAY na kaluluwa si Adan.
Kagaya rin ng bagong panganak na bata, habang lumalabas sa nanay ay may mga bata na tumitigil sa paghinga(potential ang kalagayan niya), kailangan hampasin ang puwet nito ng doctor o kumadrona para huminga at umiyak(kinetic). Kapareho ang situwasyon ng batang ito kay Adan ng lalangin ito sa simula.
Si Adan ng hiningahan ng Diyos at ang bata ng hampasin ang puwet nito para umiyak ay pareho ang mga kalagayan nila sa taong inaakalang patay na biglang nagising dahil sa external stimulus.
Saka masisira pala ang salita ni Jesus at magiging sinungaling rin siya kung meron patay ngayon at nabuhay ng sinuman doctor o namatay na at biglang nabuhay uli dahil ang implikasyon nito ay meron IBANG nag-RESURRECT, sabi sa Bibliya na si Jesus lang daw ang resurrection at buhay.
Iyong palang NAALAALA ng inaakalang patay na at nagising daw bigla na nakakita raw ito ng LIWANAG at nagkaruon daw ng FLASHBACK ay MABILIS na reaction functions lang ito ng UTAK o BRAIN neurons na biglang mabilis rin na gumana sa external actions na maaaring dahil sa gamot, ginawa ng mga doctors at iba pa. Ang FLASHBACK niya ay nangangailangan ng INTERVAL OF TIME sa mga CONSCIOUS observers, pero sa UNCONSCIOUS ay hindi niya alam ang paglipas ng mga oras dahil hindi siya conscious sa time.
Walang mga nakapagtataka at walang mga sekreto dahil lahat ng mga mysteryosong bagay ay may mga kasagutan na nakasulat na LAHAT sa Bibliya.
- Kapre
JM,
Hindi yata ako pamilyar sa TERESITA BASA CASE, could you give a backgrounder?
Auggie
Supremong Kapre:
Thanks for the explanation.
Auggie:
Si Teresita Basa ay isang Batangueña na nurse sa Illinois, not New Jersey.
Teresita Basa, 48, was stabbed to death on February 21, 1997 in her Evanston, Illinois apartment. Forensic evidence indicated that she had let a man into her apartment, and that at first he had choked her to the point of unconsciousness and then stripped her and stabbed her between the ribs. The force of the stab wound was so strong that it went completely through her. To confuse anyone who might investigate the man had left Teresita in a position that would suggest a rape had occurred. The man then set a mattress with Teresita's corpse on it afire in hopes of burning up all of the evidence. However, thankfully the fire did not take hold and comparatively little damage was done to the crime scene.
Two weeks after her death, at the Edgewater Hospital where Teresita Basa had worked, one of her co-workers said to another, "Teresita must be turning in her grave. Too bad she can't tell the police who did it." The other former co-worker of Teresita's , a respiratory therapist named Remy Chua, also a Filipino, said in reply, "She can come to me in a dream. I'm not afraid." However, later in the day, as Remy Chua was taking a nap, after a long shift in the locker room she awoke to see Teresita Basa standing in front of her. She ran from the locker room in panic. After this incident, Remy Chua began to have dreams about Teresita's murder. In these dreams she also recognized the man who had committed the crime. One day after this series of dreams, as she lay on her bed, a voice spoke through her mouth in the language of her native land, Tagalog. The voice said, "I am Teresita Basa. I want you to call the police." Remy Chua's husband heard the words, although Remy herself remembered nothing about it after she came out of her trance-like state. The couple decided to do nothing about it.
Once again, two weeks later, 'Teresita' came back and spoke through Remy Chua. This time she named her killer-'Allan'. This was very interesting because 'Allan' was also the man Remy had recognized when she first started dreaming about Teresita's murder. Allan Showery, a black guy, worked as an orderly at the same hospital Remy and Teresita had worked at. A few days later 'Teresita' spoke through Remy again and gave the full name of the murderer as Allan Showery, and said he had stolen some jewellery and given it to his girlfriend. While in the trance state, 'Teresita' through Remy Chua gave the telephone number of someone who could identify the jewellery. She claimed that 'Al' had come to fix her television and killed her. Finally, the Chuas called the police. The police were anything but convinced and it was several days before they questioned Showery. Showery admitted promising to repair Teresita's television, but claimed he had forgotten to do it. However, when the police questioned Showery's girlfriend, Yanka and asked her if he had given her jewellery, she showed them an antique ring that he had given her as 'a belated Christmas present.' After this the police called the number that Remy Chua had spoken in her trance. This number belonged to one of Teresita's cousins and two of her cousins came to the police station and identified the ring as Teresita's. In addition they identified other pieces of jewellery that had belonged to Teresita.
The first trial ended in deadlock as many jurors didn't believe in the paranormal. But, due to guilt, Showery finally admitted the killing, and now he is incarcerated for life.
This case became an amazing event in the US because for the first time, A GHOST – revealed all the evidence against the perpetrator of the crime.
It was such a sad interview when her parents spoke about their daughter. But, this case was the first of its kind in the US, in fact, in the world – where a "possession" by ghost or spirit, or whatever, of a victim, led the killer to admit to his crime.
JM,
interesting ang kuwento mong ito, pero hindi kataka-taka ito.
Hawig ito sa nangyari kay haring Saul ng Israel. Pumunta itong si Saul sa spirit medium sa En-dor para makausap ang patay na propetang si Samuel. Nakausap nito si Samuel sabi ng spirit medium na ito pero ang totoo ang apparition ni Samuel ay apparition ito na kagagawan ng demonyo. Ang parusa sa Mosaic law sa pag-contact sa demonyo ay kamatayan, kaya namatay itong si Saul dahil dito.
Iyong nangyari na kuwento mo, si Chua dito ay ang medium at ang apparition ni Teresita ay kagagawan apparition ito ng demonyo.
Demonic contact ang naranasan ni Chua, nademonyo ito. Mararanasan nitong si Chua ang nangyari kay Saul kung patuloy ang contact niya sa demonyo.
- Kapre
Mr. Kapre:
Kung demonyo ho yung pumasok kay Mrs. Chua, bakit pumanig ito sa tamang side? Di ba kung demonyo, dapat pagtatakpan yung kriminal? Bakit ibinuko ng demonyo yung killer at umamin tuloy sa kasalanan niya?
Nademonyo pala si Chua. HHHHH.
Napanood ko yung interview sa kanya, takot na takot siya noong nagkakasakit siya sa pagsapi sa kanya. Maski nga yung asawa niyang Chinese, ilang beses na hindi pinansin yung message ng possession, hanggang sa nanghihina na yung Pilipina kaya pumunta na sila sa pulis.
Mr. Kapre:
Kung demonyo ho yung pumasok kay Mrs. Chua, bakit pumanig ito sa tamang side? Di ba kung demonyo, dapat pagtatakpan yung kriminal? Bakit ibinuko ng demonyo yung killer at umamin tuloy sa kasalanan niya?
annabellegonzales,
ito ang sagot sa tanong mo na mula sa Bibliya na sinabi sa 2Corinthians 11:14,15,
"AND NO WONDER, FOR SATAN HIMSELF KEEPS TRANSFORMING HIMSELF INTO AN ANGEL OF LIGHT. IT IS THEREFORE NOTHING GREAT IF HIS MINISTERS ALSO KEEP TRANSFORMING THEMSELVES INTO MINISTERS OF RIGHTEOUSNESS."
Si Chua dito ang indirectly naging ministro ni Satanas. Sa pagkakataon ito si Satanas ay nagkunwaring angel of light, ginamit niya sa pamamagitan ng ministro niyang si Chua ay pinagawa niya ito ng righteousness na gawa na naging dahilan para mahuli ang kriminal.
Ang motibo ni Satanas dito na ang mga tao ay maniwala sa SPIRITISMO na mahigpit na ipinagbabawal ng Diyos. Lahat kayo ay naging interesado at napaniwala ni Satanas sa spiritismong pangyayaring ito, di ba?
Walang biro, pasalamat kayo sa akin at hindi kayo nademonyo ni Satanas sa angelic light o gawang kabutihan na pamamaraan niya na nagsisilbing PAIN para makasilo ng madidemonyo niyang mga tao.
Kagaya ng unang sinabi ko na, hindi kataka-taka itong nangyari kay Chua, nademonyo ang taong ito. Pareho ang nangyari sa kanya na nangyari kay Saul. Sinabi ito sa Bibliya na WARNING SA LAHAT NG TAO NA IWASAN ANG SPIRITISMO DAHIL KABUANGAN GAWA ITO NG DEMONYO.
Ito pala ang tandaan ninyo, ang sinumang tao na sinasapian ng spirito ng demonyo ay SOBRANG TAKOT ang nararanasan, samantalang ang sinumang tao na nasa kanya ang spirito ng Diyos ay SOBRANG KAPAYAPAAN naman ang kanyang nararanasan.
- Kapre
Supremong Kapre:
Very interesting. Lalo na yung TAKOT at KAPAYAPAAN.
Hindi pala ako puwedeng kasangkapin ng demonyo dahil hindi ako natatakot. Ewan ko ba, pero para sa akin, NO ONE WHO IS WILLINGLY OPPOSING EVIL WILL BE OVERCOME BY IT, for evil is subject to the power of good.
I hope, hindi kabuangan itong nasabi ko at baka mahambalos pa ako ng dos por dos. HHHHHH.
Pero, ganito talaga ang parang naging pamantayan ko sa lahat ng mga nararanasan kong "unusual". Kapag sinigawan ko na ang mga hinayupaks, napapalayas ko. Lalo na kung nagpapahinga ako at doon naman bubulabugin na para bang ayaw nilang maging malusog ang katawan mo dahil inaagawan ka nila ng tulog.
That last thing you said is quite reassuring. Thank you.
JM,
Parang pang X-FILES pala ang kaso ni TERSITA BASA ano?
Auggie
Auggie:
Yes. It was made into a book. It was also made into a TV Movie of the Week called VOICE FROM THE GRAVE (1996).
JM,
tama ang ginawa mo na palayasin ang mga demonyo. Ng dini-demonyo ni Satanas si Jesus ay pinalayas niya itong si Satanas. Pero sabi nitong si Satanas ay babalikan uli niya si Jesus sa ibang pagkakataon, paulit-ulit na walang katapusan ang pangdi-demonyo nito sa lahat.
Iyong mga nakaranas na mademonyo ay baka balikan uli sila ng mga demonyo sa ibang pagkakataon dahil kagaya ng mga tarantadong tao ito na walang tigil mang-inis sa kapwa. Alam ng mga demonyo na sa walang tigil na pangdi-demonyo nila ay HIHINA ANG DEPENSA ng mga tao habang tumatagal lalo na iyong walang mga kaalaman sa mga tamang turo na sinasabi sa Bibliya.
Sanabi mismo ito sa 1Corinthians 10:12, "...let him that thinks he is standing beware that he does not fall."
Maraming kaso ang nabanggit sa Bibliya na mga PERFECTO pa pero nahulog sila. Unang ehemplo itong si Satanas, sinabi sa Ezekiel 28: 12-15 na ang anghel na ito sa simula ay FULL OF WISDOM, PERFECT, FAULTLESS at ANOINTED CHERUB rin ito pero sa huli ay naging demonyo, nakatindig ito pero bumagsak. Si Adan at Eva na mga perpekto rin pero bumagsak rin sila. Mga perpekto sila, mas mahina ang mga taong hindi mga perpekto.
Sabagay ang laban sa demonyo ay kung malakas ang tiwala ng tao sa Diyos na lalong lumalakas pa kung iniiwasan niya ang mga bagay na mga maka-demonyo. Ang isang halimbawa dito ay iwasan ang SPIRITISMO, ni pag-usapan o isipin ito ay huwag gagawin lalo na kung kulang ang mga kaalaman panguntra dito na sinasabi sa Bibliya.
Kagaya ni annabellegonzales ay baka maniwala kaagad siya sa "angel of light" na pakitang gawa ni Satanas kaya sinagot ko ng verso sa Bibliya ang tanong niya. Paano kung hindi ko alam sagutin ang tanong niya? Di bilib na siya kaagad sa nangyari kay Chua, at indirectly na magiging dicipolo na siya ni Satanas na hindi niya nalalaman.
Kaya kagaya ng sinabi ko na nga sa itaas, mag-ingat at HUWAG PAG-USAPAN o HUWAG ISIPIN itong lahat na mga bagay tungkol sa SPIRITISMO dahil marami sa inyo ang hindi kabisado at hindi rin alam ang mga pang-kontra dito na mga itinuturo at sinasabi sa Bibliya, baka mademonyo kayo na hindi ninyo nalalaman.
- Kapre
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home