MGA AWARD-WINNING MODERN WORLD LITERATURE ADAPTED FOR KOMIKS
May panahon noong 70s nang i-suggest namin ni Vincent Benjamin Kua kay Mr. Tenorio na dalhin ang award winning modern world lit sa komiks. Isa ito sa mga na-brainstorm namin kung paano pa mai-angat ang lokal komiks. At dahil hindi makaabot sa mga masa ang mga panulat na tinuringang pinakamagagaling sa makabaong panahon, nakumbinsi si Mr. Tenorio na may merit nga ang suhesyon na ito.
Na-assign sa akin ang mga foreign works, kay Vincent ay mga local.
Later, gumaya na rin ang iba pang publications at gumawa rin ako sa kanila.
Narito ang ilang halimbawa kung paano ko ginampanan ang bagay na ito, sa pag-asang maibahagi, halimbawa, ang mga gawa nina O Henry at Leo Tolstoi. Ang nakakabigla, napakaraming sulat kaming natanggap sa mga adaptations na ganito at nagdulot ito sa amin ng tuwa, na kahi't ang mga tema ay hindi naman talaga pang-komersiyal ang appeal, pero kinagat rin ito ng mga mambabasa. Dito namin napatunayan ni Vincent, at maging ni Mr. Tenorio man, na may puwang rin ang HIGH-BROW na mga obra, basta't dalhin mo ito sa masa. Ika nga'y... i-extend mo ang iyong mga kamay bilang komikero, at malugod mong ipakilala kung sino ba, halimbawa, si Leo Tolstoi, o si Luigi Pirandello. Ang ilan ay napunit na ang mga pangalan ng awtor kaya hindi na nakasama.
ANO'NG KASAMAAN ANG MAGAGAWA NG SALAPI?
adapted from THE LOTTERY TICKET
by LUIGI PIRANDELLO
ANG KABAYO NI MANG TEBAN
adapted from TO WHOM SHALL I TELL MY SORROW?
by LEO TOLSTOI
ANG MGA KAWATAN
Adapted from THE WILL OF ALLAH
from an African Short story
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home